MANHID
Monday, August 29th, 2005Manhid daw ako sabi nila. Sino sila?? Basta sila…silang lahat na hindi ako naiintindihan. Magmula noong pumasok ako ng elementary, hindi nmn tlga ako madaldal. Hindi ako mahilig makipagsigawan at makipaglaro sa mga kasamahan ko. Ewan ko ba, parang hindi kasi sakin importante ang mga bagay na yun. Mas importante sakin na nasusunod ko ang mga titser ko at nagagawa ko lahat ng mga assignments na binibigay sakin. Tahimik lng ako sa klase at kng may kakausapin ako, ang madalas kong kausap e yung dlwang top sa klase namin. Yung top 1 at yung top 2. Hindi na importante kng ano ang grade ko nun kasi nmn lagi silang top mula nung grade 3 hanggang grumadweyt kami ng grade 6. Ang nakakatuwa dun, hindi nman ako kasing talino nila. Hindi nman ako kasali sa top ten. Alam nyo ba kng bakit sila lang ang kinakausap ko? Sila lang kasi ang may sense. May logic ang bawat salitang lumalabas sa kanila. Hindi kagaya nung iba naming kaklase na mas importante pa ang paglalaro o di kaya puro chismis maghapon ang inaatupag.
Ewan ko ba kng bakit nung mga panahong ang ginagawa ng karamihan e magenjoy at maglaro, hindi ko tlga nakahiligan. Buong panahon na nagaaral ako, wla nman akong kahit na anong inaalala kundi ang magaral at makagradweyt ng maayos. Kumbaga, inubos ko ang kabataan ko sa pagiging seryoso at objective-minded. Hindi ito kagaya nung mga "rags to riches" story na napapanood natin sa mga sine. Hindi nman ako nagtapos sa elementary, highschool, at college nang may medalya taun-taon. Pero sinigurado ko lang na matatapos ako ayon sa expectations ng magulang ko. E bakit nga ba tayo patuloy na nakakapag-aral? D b dahil lang nman din s kanila? Kaya marapat lang na ayusin mo ang bagay na pinaghihirapan nila. Yun ang inisip ko. Binigay ko ang karangalang bihirang binibigay ng isang anak sa kanyang magulang, ang magtapos ng kolehiyo nang walang sabit na kahit ano at ni minsan hindi binigyan ng sakit sa ulo. Aba! Madalang na yan ngayon! Kadalasan, saksakan ng kalokohan at sakit sa ulo ang dinadanas ng mga magulang ngayon! Hindi dahil sa trabaho nila….kundi dahil sa sarili nilang anak na walang ibang alam gawin kundi ang magpakasasa sa paglalaro at bisyo. Gaya ng mga kaklase ko noon….
Hindi ko alam kng saan, kelan, at papaano ako nakapagisip nang mga ganyang bagay kahit na bata pa lang ako. Pero alam ko, nung magsimula akong magisip ng ganyan, dyan na rin nagsimula na sabihan akong manhid. Manhid! Ipaliwanag nga natin ang ibig sabihin ng salitang ito. D ba pag sinabing manhid, hindi nakakaramdam. Na kahit madapa eh parang walang nangyari. Na kahit nauntog sa pader eh hindi man lang aaray. Wala lang sa kanila. Hindi nila naramdaman e. Manhid. Kaya minsan tatanungin ko ang sarili ko, manhid ba ako? Nakakaramdam nman ako, nasasaktan at natutuwa kagaya ng karamihan. Pero ang kaibahan ko lang, hindi ako nagsasalita. Tahimik lang ako kadalasan. Iniisip ko muna kng ano ang dapat gawin. Bigyan ko kayo ng isang example. Noong minsang nagkekwentuhan kami ng bespren ko, nabanggit ko sa kanya na lumabas yung GF ko kasama yung dati nyang BF. "Sinabi ba sayo?", tanong nya. "Oo", sabi ko. "Pinayagan mo?", tanong nya ule. "Oo nman.", sagot ko nman. "Hindi ka ba nagseselos man lang?", halos nagulat nyang tanong. "Hindi. Wala nman akong dpat pagselosan e.", sabi ko. "Ang manhid mo nmn! Hindi ka marunong magselos!". Naaalala ko yan kasi natanong ko rin yun sa sarili ko e. Kung bakit nga ba hindi ako nagselos. Baka tama nga yung bespren ko na manhid nga ako. Siguro, kung sayo mangyayari yun, syempre hindi mo papayagan yung BF o yung GF mo na lumabas kasama ang X nya nang sila lang. Siguro magagalit ka pa at pagmumulan lang yun nang tampuhan nyo. Pero ako, naiisip ko kc na wala nmang positibong epekto ang selos e. Away lang ang hantong nun! Hassle lang sa buhay. E di payagan ko n lng! Hindi nmn ibig sabihin na hindi ko sya mahal e. Mahal na mahal nga e…kya buong tiwala mo syang papayagan lumabas kahit sino pa ang kasama nya. See? Hindi ako manhid. Pinaisipan ko lang muna ako bago ako kumilos.