Galit ka ba?

Naranasan mo na bang magalit? As in galit na galit ka? Di naman importante kng ano o sino ang dahilan. Basta nagalit ka. Ilan sa mga kaibigan ko ang nagsasabi na hindi raw nila alam kng pano magalit. Di raw nila "nature" yun. Kadalasan di ako naniniwala kahit na sa buong pagkakakilala ko sa kanya, ni minsan di ko sya nakitang magalit. Alam nyo kng bakit di ako naniniwala? Kc may kanya-kanya tayo ng paraan para magalit. Ang kadalasan sa mga galit e yung mga bayolente at sumisigaw. Meron din naman jan yung mga tumatahimik at di namamansin. Yung ibang mga "elite" magalit e umiiyak na lang basta. Madalas nakakatuwa panoorin ang isang tao pag sya’y galit. Kahit sarili ko minsan, natatawa n lng ako pag naaalala ko na ako’y nagalit. Pero bakit nga ba nagagalit ang isang tao? Nakakabuti ba ito sa kanya? Meron ba tong "positive" output sa buhay natin? Pagusapan natin…

Una, kng bakit nagagalit ang isang tao. Normal na nagagalit ang isang tao kapag may nangyaring labag sa kalooban nya. Kunyari, inutusan ng isang nanay ang kanyang anak na bumili ng suka. Imbes na pinambili ng suka e ginamit para makapaglaro ng ragnarok dun sa internet cafe sa kanto. Syempre magagalit yung ina. Normal ba? Oo. Isa pa, na-late sa date nyo yung boypren mo at namuti na ang mata mo sa kaiintay. 6 ang usapan nyo. 9 na dumating. Nag-lowbat daw ang fone nya at natrapik sa daan. Magagalit ka ba? Oo. Normal? Oo. Hindi ka naman makikinig sa paliwanag nya e. Basta ang alam mo, nagmukha kang tanga nang 3 oras kaya ka galit.

Pangalawa, nakakabuti ba ang magalit? Oo at hindi. Hinde dahil ang kadalasan approach ng isang tao pag sya’y galit e wala na syang naririnig na paliwanag at hindi na sya nagiisip ng tama. Ang dapat sa isang taong galit, tinutulugan ang galit nya. At kng hindi ka nman makatulog, huminga ng malalim at magbilang hanggang 1000. Meron din namang positibong epekto ang pagkagalit, hindi nga lang sa nagagalit. Kundi dun sa nakagalitan. At least nalaman nya na mali yung nagawa nya. In a general sense, kanino ba natin nakuha ang magalit? E di kung sino ang gumawa satin! Dahil ginawa tayo nang gaya sa Kanya, kaya marunong tayong magalit. Ngayon…masasabi mo bang ito’y negatibo?

Pero hindi naman dahil sinasabi kong nakuha natin to sa lumikha sa atin, e justified na ang pagiging galit natin sa kapwa. Meron din naman syang mas importanteng itinuro laban sa pagiging galit…pagpapatawad. Ang isang taong hindi marunong magpatawad, walang karapatang magalit! Wag kayong pasaway! Bow… =P

Leave a Reply