KWARTO

"Kelan mo ba lilinisin yang kwarto mo?" yan ang laging sinasabi ng nanay ko skin lalo na pag napa2tingin sya sa loob ng kwarto ko. Ewan ko ba kng ano ang meron sa loob ng kwarto ko na nagugulahan ang kahit sinong tumingin dito. Maayos nman para skin. Hehe…kya lagi kong sinasabi na "saka na lang" o kya "pag nagkaoras ako, busy ako e". Minsan dumadating sa punto na sinasabi ko sa sarili ko na, ‘cge lilinisin ko n nga tong kwarto ko sa sabado o linggo’. Pero dadaan ang ilang sabado at linggo, hindi ko na naman nalinis tong kwarto ko.

Kelan ko nga ba huling nalinis to? Hmm…high school pa ata nung huli kong inayos ang mga gamit ko dito. Isa pa yun sa nakakatamad e….biruin mo, mahigit 6 na taong gamit ang nakatambak sa kwarto ko magmula pa nung hiskul ako. Hindi kasi ako yung taong mahilig magtapon ng gamit e. Iniisip ko kasi na baka balang araw e itong bagay na to na itatapon e magamit ko pa. Kya ayon, itatabi ko lang sa isang sulok o drawer tapos makakalimutan ko na. E isang araw, may narinig akong kanta. Alam nyo ba yung kanta ng Sugarfree? Yung pamagat e KWARTO? Narinig ko yun at naaliw ako. Naging insipirasyon ko yun para linisin ko yung kwarto ko. Hehe…corni pero totoo yun. Bigla akong sinipag! Aba, talagang pinagtatapon ko yung mga gamit na hindi ko na kailangan. Andami ko palang gamit dun sa maliit kong kwartong yun! Kahit ako nagtaka na nagka2sya ang ganung kadaming gamit sa kwarto ko! Hahahaha…di ko mapigilang matawa habang naglilinis ako e!

Tapos dumating ako sa isang drawer ko na hindi ko na gaano tlgang nabu2ksan. Sabi ko sa sarili ko…’eto na! eto na yung may pinakamaraming basura na sa tingin ko e halos lahat matatapon ko tlga!’. Pero alam nyo, hindi ako handa dun sa nakita kong nilalaman ng drawer na yun. Una kong napansin sa isang sulok ng drawer yung mga negatives at iilang-ilang picture na kasama nito. Tiningnan ko at nagulat ako! Walastek…picture namin to nung mga barkada ko nung hiskul a! Natawa na naman ako nung makita ko mga itsura namin nun! Ibang iba na sa mga pagmumukha nung mga loko ngayn hehehe. Naghiskul kasi ako sa St. Andrew’s  jan sa paranaque. Exclusive school for ‘boys’. May quote kasi yung iba hindi nmn tlga lalaki. Hahaha…alam nyo na yun. Nwei…narealize ko bigla na oo nga no…tanda n pla namin. Biruin mo gradweyt na pala kami ng college. At sa ngyn e may kanya-kanya nang plano sa buhay.

Cge linis pa! May nakita pa kong mga picture…eto nmn nung college ako. Nung college nahilig ako sa camera, kya eto mas marami yung pictures nung nasa college pa ako. Parang ansaya nga namin nun e. Kahit puro projects at exam, nagagawa pang ngumiti. Nakita ko pa nga how sweet yung ibang mga magbf at gf nun e. Tapos ngayn hiwalay na hehehe…ganyan tlga ang relasyon, walang kasiguraduhan kng kayo nga o hindi sa bandang huli. Napatigil ako sa isang picture, alam nyo ba kng baket? Picture to ng isang kaibigan ko nung college. Ba! Meron pa palang natirang picture nya sakin! May halo pa ngang mangilan-ngilang mga sulat nya. Mga sulat ng…alam nyo na yun! Andaming flashbacks! Grabe…sabi ko nga ‘kaya ko pa kayang matapos to?’. Haay…balik uli sa paglilinis! Walang mangyayari kng bigla ko n lng ititigil dahil sa nkita ko!

Andami ko pang nakita, yung iba malulungkot na ala-ala pero karamihan naman masasaya. Kahit nga yung alkansya na ginamit ko nung hiskul nakita ko pa e! At may laman pa! Hahahaha! Mahigit kumulang na 3 oras ata ang ginugol ko sa kwarto ko para malinis yun at maitapon yung mga bagay na di ko na kelangan! Bawat bagay na mahawakan ko, may mga mini-flashbacks akong naaalala. Minsan mapapangiti, minsan mapapatawa, minsan nman may halong lungkot. Ang hirap! Hindi physical exhaustion ang naramdaman ko e! Emotional! Kya tlgang anhirap. Pero cguro expected ko na rin yun e…6 o 7 taon ko nang hindi naaayos mga gamit ko dun. Hindi ko tuloy masabi kng ok ba o hindi na magtago ng gamit. Pero sa isip-isip ko, ok na rin yun at kahit sa kaunting panahon e naisip at naalala ko na anlayo n pla ng narating ko sa buhay mula nun. Andami ko n rin plang nagawa. At ang bawat ala-ala at experience na nakuha ko sa mga panahong yun ang tumulong sakin para marating ko ang kinakatayuan ko ngayn. Masaya man o malungkot, lahat yun tumulong sakin. Sabi ng iba, hindi raw magandang mabuhay sa nakaraan. Pero minsan magandang tingnan ang mga napagdaanan natin noon, para ma-apreciate natin kng ano ang meron tayo ngayon at bilang paghahanda na rin sa kinabukasan. Ikaw? Kelan mo lilinisin ang kwarto mo? ^__^

Leave a Reply