TRIVIAL
Minsan sa buhay natin, andami-dami nating mga inaalala na akala mo wala nang mas importante pang dapat alalahanin. Gustong-gusto mo yung bagong model ng nokia dun sa mall, alam yun ng mga magulang mo. Eto na bday mo, syempre expected mo yung celfone ang regalo syo. E wala…hindi nabigay. Magdadabog ka? Magagalit ka? Maiinis ka to-the-max at hindi mo papansinin ang parents mo. Hindi mo man lang naisip na baka itinatabi ng mga magulang mo ang pera para makapagaral ka pa next sem. Hindi mo man lang naisip na ang halaga ng celfone na gusto mo ay katumbas ng 3 buwang ulam nyo sa lamesa. Eto pa isa. May tampuhan kayo ng boypren mo, dahil sa isang dahilang kahit isang 8yrs old na bata ay matatawa. Hindi ka kakain? Iiyak ka ng iiyak? Super depressed ka at pati trabaho mo naaapektuhan. Hindi mo ba naisip na imbes na magpakabulok ka sa isang sulok e silipin mo man lang yung kapatid mo na nanga2ilangan ng tulong sa assignment nya. Hindi mo ba naisip na bisitahin man lang yung lola mong may sakit.
Yaaan…yan ang attitude ng karamihan. Yes, karamihan. Dahil hindi lng nmn bata ang nakakaramdam neto, magugulat kayo at mas maraming matatanda ang may ganitong sakit. Tinatawag kong sakit dahil nakakahawa ito e. Syempre pag nakita ito ng mga mas nakakabata sayo, gagayahin. Oo alam ko hindi tayo pare-parehas ng bigat ng mga problema. Pero hindi nakakatulong na ang iniisip mo e ikaw na ang pinaka-kawawang tao sa mundo. Syet! Buti ka pa nga e, kinsenas alam mong may sasahurin ka. E yung mga isang kahig, isang tuka jan? Di ba mas mahirap ang dinadanas nila. Tapos ang iniisip mo kawawa ka dahil yung tanga mong opismate ang napromote at hindi ikaw. Hindi naman dating ganyan ang mga pinoy sa pagharap sa mga problema e. Dati tatawanan lang at gagawan ng paraan. Ngayon, dahil sa mga lecheng telenobela na yan na wala namang atang ibang alam na ituro kundi pano umiyak every 5 minutes, nabobobo na ang pinoy. Nawawalan na ng diskarte. Hindi na marunong magprioritize.
Tama ba ko kng sasabihin kong kaya hindi nagiging masaya ang isang tao e dahil rin naman sa kanya? Oo…wala nmang dapat sisihin dun e kundi ang sarili mo. Kya mo ngang umiyak at magreklamo mya’t mya e…bat di mo magawang maging masaya o ngumiti man lang kahit isang beses sa isang araw. Attitude lang yan mga prendz….attitude….