Bato-bato sa langit…
Tuesday, February 28th, 2006Most of the people that this person represents have the same exact sentiments! And that even includes me…read on!
officer sa isang malaking
korporasyon at may asawa…dalawa anak. Di na
importante pangalan ko
kasi parepareho naman tayong mga
middle-class….trabaho 9-5, inom konti
tapos uwi sa pamilya, laruin si baby,
itutor si ate/kuya tapos tulog na,
pag wala na pera intay nalang ng
sweldo.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay
maingay
at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive
Pinoys
ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang
ito.
Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham
ko
sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag
na
pag-iisip.
Sa Mga
Politiko:
Diyos ko naman, sa
dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo
makuntento kelangan nyo pa ba
manggulo.
Sa
Administrasyon:
Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang
pandaraya nyo sa eleksyon,
pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan
ng people power, kaya
sana naman gantihan nyo
kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno
at malaking bawas sa
kurakot naman please para kahit papano maramdaman
naman namin na may
napupuntahan ang binabayad naming buwis.
Saka Madam GMA,
step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007,
tignan mo, i-announce mo
mag-step down ka kapag parliamentary na tayo,
resounding YES yan sa
plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power
laban sayo. Try mo
lang………
Sa Oposisyon:
Di nyo
pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig
sa
inyo….isa ay bayaran na
mahihirap kungdi man ay tangang mga
excited
na reporter na parang naka-shabu lagi….mga praning
e at naghahallucinate.
Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa
administrasyon,
pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa
liderato ngayon.
Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo
ipapalit na maayos.
Advise lang galing sa isang
middle-class na syang tunay na puwersa sa
likod ng lahat ng matagumpay na
People Power, magpakita muna kayo ng galing
bago nyo batuhin ang
administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
reklamo,
e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo….para kayong
batang lagi na
lang naaagawan ng laruan…..GROW UP naman…sa isip sa
salita at sa
gawa.
Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay
mga
bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang
mga
rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag
nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang
mga kasama nyong nagrarally!! Nung
People Power namin nagyayakapan kami lahat
nuon.
Wala naman mangyayari sa mga rally nyo
nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang
paghintayin ng 3 araw ang
mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at
swelduhan ang mga yan.
Kung gusto nyo tagumpay na
People Power kami ang isama nyo….pero pagod na
kami e, sori
ha.
Sa
Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army
may problema, 2,000 plus
na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason
naman, pero nakita nyo
ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila
na sundalo…..yan
dapat ang sundalo di
nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
kayang
maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang
ang
nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng
military
ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang
pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
responsibility"…..kaya
maging spiderman kayo
lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang
natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at
tangke, kami wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di
naman kasi sila maingay na kusa
e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin
naman silang email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang
email nalang tayo
kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa
mga dapat makabasa
nito at makiliti naman ang kanilang mga
konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat
na binabawasan ang sweldo ng Buwis!