Archive for August, 2006

Just a REPOST

Wednesday, August 23rd, 2006

This is a repost of my previous entry, MANHID. Due to current situations…im posting it again. hehehe…^__^

——————————————————————————————————————-

Manhid daw ako sabi nila. Sino sila?? Basta sila…silang lahat na
hindi ako naiintindihan. Magmula noong pumasok ako ng elementary, hindi
nmn tlga ako madaldal. Hindi ako mahilig makipagsigawan at makipaglaro
sa mga kasamahan ko. Ewan ko ba, parang hindi kasi sakin importante ang
mga bagay na yun. Mas importante sakin na nasusunod ko ang mga titser
ko at nagagawa ko lahat ng mga assignments na binibigay sakin. Tahimik
lng ako sa klase at kng may kakausapin ako, ang madalas kong kausap e
yung dlwang top sa klase namin. Yung top 1 at yung top 2. Hindi na
importante kng ano ang grade ko nun kasi nmn lagi silang top mula nung
grade 3 hanggang grumadweyt kami ng grade 6. Ang nakakatuwa dun, hindi
nman ako kasing talino nila. Hindi nman ako kasali sa top ten. Alam nyo
ba kng bakit sila lang ang kinakausap ko? Sila lang kasi ang may sense.
May logic ang bawat salitang lumalabas sa kanila. Hindi kagaya nung iba
naming kaklase na mas importante pa ang paglalaro o di kaya puro
chismis maghapon ang inaatupag.

Ewan ko ba kng bakit nung mga panahong ang ginagawa ng karamihan e
magenjoy at maglaro, hindi ko tlga nakahiligan. Buong panahon na
nagaaral ako, wla nman akong kahit na anong inaalala kundi ang magaral
at makagradweyt ng maayos. Kumbaga, inubos ko ang kabataan ko sa
pagiging seryoso at objective-minded. Hindi ito kagaya nung mga "rags
to riches" story na napapanood natin sa mga sine. Hindi nman ako
nagtapos sa elementary, highschool, at college nang may medalya
taun-taon. Pero sinigurado ko lang na matatapos ako ayon sa
expectations ng magulang ko. E bakit nga ba tayo patuloy na
nakakapag-aral? D b dahil lang nman din s kanila? Kaya marapat lang na
ayusin mo ang bagay na pinaghihirapan nila. Yun ang inisip ko. Binigay
ko ang karangalang bihirang binibigay ng isang anak sa kanyang
magulang, ang magtapos ng kolehiyo nang walang sabit na kahit ano at ni
minsan hindi binigyan ng sakit sa ulo. Aba! Madalang na yan ngayon!
Kadalasan, saksakan ng kalokohan at sakit sa ulo ang dinadanas ng mga
magulang ngayon! Hindi dahil sa trabaho nila….kundi dahil sa sarili
nilang anak na walang ibang alam gawin kundi ang magpakasasa sa
paglalaro at bisyo. Gaya ng mga kaklase ko noon….

Hindi ko alam kng saan, kelan, at papaano ako nakapagisip nang mga
ganyang bagay kahit na bata pa lang ako. Pero alam ko, nung magsimula
akong magisip ng ganyan, dyan na rin nagsimula na sabihan akong manhid.
Manhid! Ipaliwanag nga natin ang ibig sabihin ng salitang ito. D ba pag
sinabing manhid, hindi nakakaramdam. Na kahit madapa eh parang walang
nangyari. Na kahit nauntog sa pader eh hindi man lang aaray. Wala lang
sa kanila. Hindi nila naramdaman e. Manhid. Kaya minsan tatanungin ko
ang sarili ko, manhid ba ako? Nakakaramdam nman ako, nasasaktan at
natutuwa kagaya ng karamihan. Pero ang kaibahan ko lang, hindi  ako
nagsasalita. Tahimik lang ako kadalasan. Iniisip ko muna kng ano ang
dapat gawin. Bigyan ko kayo ng isang example. Noong  minsang
nagkekwentuhan kami ng bespren ko, nabanggit ko sa kanya na lumabas
yung GF ko kasama yung dati nyang BF. "Sinabi ba sayo?", tanong nya.
"Oo", sabi ko. "Pinayagan mo?", tanong nya ule. "Oo nman.", sagot ko
nman. "Hindi ka ba nagseselos man lang?", halos nagulat nyang tanong.
"Hindi. Wala nman akong dpat pagselosan e.", sabi ko. "Ang manhid mo
nmn! Hindi ka marunong magselos!". Naaalala ko yan kasi natanong ko rin
yun sa sarili ko e. Kung bakit nga ba hindi ako nagselos. Baka tama nga
yung bespren ko na manhid nga ako. Siguro, kung sayo mangyayari yun,
syempre hindi mo papayagan yung BF o yung GF mo na lumabas kasama ang X
nya nang sila lang. Siguro magagalit ka pa at pagmumulan lang yun nang
tampuhan nyo. Pero ako, naiisip ko kc na wala nmang positibong epekto
ang selos e. Away lang ang hantong nun! Hassle lang sa buhay. E di
payagan ko n lng! Hindi nmn ibig sabihin na hindi ko sya mahal e. Mahal
na mahal nga e…kya buong tiwala mo syang papayagan lumabas kahit sino
pa ang kasama nya. See? Hindi ako manhid. Pinaisipan ko lang muna ako
bago ako kumilos.

DA SHOP

Monday, August 14th, 2006

Dats what I call the place I now currently go to everyday. Its ‘da shop’. Our shop. My shop. My last posts were the ones I wrote while it was still under renovation. Now…its officially three weeks old. Sorry if I forgot to update you guys with its opening but its really been hell for the past two weeks. We’re so busy with all the people coming and going. But that’s really good for the business. Hehe.

Some people praise and admire me for having this business. My reply to them is that technically, its not really mine. I was just entrusted and I just dont plan on disappointing that trust. Some people ask me how I manage to wake early, work for 14hrs straight, sleep late, and do it all over again tomorrow. My reply to them is that because what I do for the shop…what I accomplish for the shop…is accomplishment for both me and the people who helped me reach this far. I have proven that money isn’t always everything in doing your work. It’s the sense of accomplishment and ownership of a job well done that really counts.

Here are some pics from the blessing…^__^

100_0248
100_0247
100_0224100_0237
100_0227

Also, I’d like to take this opportunity to invite you to our shop, VIRTUAL-ON INTERNET CAFE located at #8155 Unit C AndreMar Bldg., Dr. A. Santos Ave., Sucat, Pque City. Hehe…ciao!